nalulungkot ako.. si aziel, nahahapis.. si mj, nabubugho.. madilim ang mundo namin.. puno ng pagdurusa, hinagpis at hinanakit.. ang mga tao ay walang pakiramdam.. bagkus, mapanakit pa ng damdamin.. tulad ng ulan sa silid-aklatan.. humahampas ang hangin sa aming mga malasutlang balat.. walang kalaban-laban kaming tinatangay.. lalo si aziel..
isang ihip na lamang, bibitiw na.. natanaw nya bigla ang isang mag-asawa.. ang relasyong nakasalalay sa kanya.. tutulutan nya ba ang isang mapait na paghihiwalay?
wala siyang nagawa kundi umayon.. nababanaag ko ang pait sa kanyang mga kilos.. pati ang alat ng luha.. napakamot ng ulo.. napailing.. at biglang tumawa.. ang mundo ay mapagbiro.. king minsa'y mapanukso.. nakakainit ng dugo.. sing-init ng nag-aalab na damdamin ng magkasintahan sa aming kanan..
dumaan ang trak ni cesar.. pinawi ang uhaw ni alpha.. may dumaang tricycle, pinasaya si aziel.. sana may dumaang tao, para sumaya naman si mj..
tahimik ang magkasintahan.. nababanaag ang kaligayahan.. tulad ng langit.. ahh.. ikapitong langit..
napaehem si mj.. nandiri.. kadiri..
inamoy ni aziel ang sarili, napag-alamang sya'y mabango.. tulad ng hardin sa eden.. humahalimuyak.. saya ng basura sa kanan..
at biglang nainis si aziel kay bb.d, madaming may ganung pangalan sa mundo.. pero isa lang ang kinaiinisan nya.. ang nakaraan ng kanyang iniirog..
ahh.. tumila na ang ulan.. hindi pa nawawala ang bagabag sa aming mga puso.. nakakainis isipin ngunit kailangang tanggapin.. salawahang puso..
maraming gawain.. naglalakad kami patungo sa coe.. sa destinasyon ni ana.. at ng kwentong pantasya..
may inaantok.. dalang-dala sa kwento ni eduardo.. natatawa tuloy so michael..
tinititigan si mj.. tanging siya lamang ang nakakaalam ng nararamdaman nya.. paano kung umayon ang tadhana? pero kumplikado ang sitwasyon.. magulo, mapagbiro, mapanlinlang..
ngayon kailangang magpakasaya.. natapos na ang kwento ni eduardo.. kasunod na si sarah.. ang prinsesa ng tula..
kasiyahan.. nasisiyahan.. mas nasisiyahan.. sino ang pinakanasisiyahan?
sa likod ng kalungkutan ay mayroon palang kaligayahan.. sa kinang ng mata.. sa sigla ng isip.. sa ikabuturan ng damdamin.. sa pinaniniwalaan ng isipan.. sa idinidikta ng puso..
2 comments:
cnu nagsabi na english lang alam ng mga english majors... ?? hahaha
^_^ kakatuwa...LOL =)
: aziel, I agree ..hihihi...
Maybe pag nanababasa mo 2 okey na kaw.... naaalala mo na ba kame??? hehhe
:)
Post a Comment